Sunday, February 27, 2011

5 Loaves and 2 fishes

    5 Loaves and 2 fishes

A little boy of thirteen was on his way to school
He heard a crowd of people laughing and he went to take a look
Thousands were listening to the stories of one man
He spoke with such wisdom, even the kids could understand

The hours passed so quickly, the day turned to night
Everyone was hungry but there was no food in sight
The boy looked in his lunchbox at the little that he had
He wasn't sure what good it'd do, there were thousands to be fed

But he saw the twinkling eyes of Jesus
The kindness in His smile
And the boy cried out
With the trust of a child
he said:

"Take my five loaves and two fishes
Do with it as you will
I surrender
Take my fears and my inhibitions
All my burdens, my ambitions
You can use it all to feed them all"

I often think about that boy when I'm feeling small
Find More lyrics at www.sweetslyrics.com
And I worry that the work I do means nothing at all

But every single tear I cry is a diamond in His hands
And every door that slams in my face, I will offer up in prayer

So I'll give you every breath that I have
Oh Lord, you can work miracles
All that you need is my "Amen"

So take my five loaves and two fishes
Do with it as you will
I surrender
Take my fears and my inhibitions
All my burdens, my ambitions
You can use it all
I hope it's not too small

I trust in you
I trust in you

So take my five loaves and two fishes
Do with it as you will
I surrender
Take my fears and my inhibitions
All my burdens, my ambitions
You can use it all
No gift is too small

Wednesday, February 9, 2011

Bulag, Pipi, Bingi


  
 

Freddie Aguilar lyrics / Unsorted lyrics / Bulag ,pipi At Bingi lyrics   

Bulag ,pipi At Bingi lyrics


Sa bawat yugto ng buhay, may wasto at may mali
Sa bawat nilalang ay may bulag, may pipi at may bingi


Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan
H'wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan


CHORUS
'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal


Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso't damdamin wala sa 'yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman


[Repeat CHORUS]


AD LIB


Ano sa 'yo ang musika, sa 'yo ba'y mahalaga
Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig
Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo


[Repeat CHORUS]


'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

TRANSLATE LYRICS TO YOUR LANGUAGE

Sunday, February 6, 2011

maynila

Labanan sa Look ng Maynila (1898)

Mula Wikifilipino

Ang Labanan sa Look ng Maynila ay pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya ay nag-udyok sa Estados Unidos na sakupin ang Pilipinas. Ipinakita ng mga Amerikano ang kapangyarihang militar nito nang lusubin ng kanilang hukbong pandagat ang hukbo ng mga Español sa Look ng Maynila noong Mayo 1, 1898. Walang nagawa ang mga Espanyol kundi isuko ang Pilipinas sa mga Amerikano. Upang hindi malagay sa kahihiyan ang Spain, nakipagkasundo ang Estados Unidos na magkaroon ng kunwa-kunwariang labanan sa Maynila. Isinagawa ito noong Agosto 13, 1898. Inakala ng hukbo ni Aguinaldo na magkakaroon ng tunay na paglusob ang mga Amerikano laban sa mga Español kaya nag-alok siya ng tulong militar ngunit hindi ito tinanggap ng mga Amerikano. Sa pamamagitan ng kunwa-kunwariang labanang ito, ipinakita ng mga Espanyol na lumaban ang mga hukbo nito sa abot ng kanilang makakaya at hanggang sa huling sandali.

The way we live

THE WAY WE LIVE
Danton Remoto

Bang the drum, baby,
let us roll tremors
of sound to wake
the Lord God of motion
sleeping under the skin.

Of choosing what to wear
this Saturday night:
cool, sexy black
or simply fuck-me red?
Should I gel my hair
or let it fall like water?

Of sitting on the sad
and beautiful face of James Dean
while listening to reggae
at Blue Café.

Of chatting with friends
at The Library
while Allan Shimmers
with his sequins and wit.

Of listening to stories at Cine Café:
the first eye-contact,
conversations glowing
in the night,
lips and fingers touching,
groping for each other’s loneliness.

Of driving home
under the flyover’s dark wings
(a blackout once again plunges
the city to darkness)

Summer’s thunder
lighting up the sky
oh heat thick
as desire

Then suddenly the rain:
finally falling,
falling everywhere:
to let go, then,
to let go and to move on,
this is the way it seems
to be. Bang the drum, baby

Regla sa Buwan ng Hunyo

RegLa sa BuwaN ng hunYo (R. MabangLo)

Pagbigyan ang pwersang ito:
lakas na umaahon sa sinapupunan,
init na sumusubo, dumadaloy, umiigkas,
kusang lumalaya't lumalayaw
kahit na sinusupil,
dumadanak at bumabakas
hatdan man ng hilahil.

Pagbigyan ang pwersang ito--
ito:
kabuuan ng lahat kong pagkatao,
kabuuan ng kaibhan ko't pagkakatulad
sa lahat ng tao,
kabuuan ng naimpok kong alaala't
ginagastang kasalukuyan
kabuuan ng kinabukasang isinasanla
sa kalendaryo.

Pagbigyan ang pwersang ito--
hayaang magmapa sa talaan
ng utang ko't pautang,
hayaang maglimbag ng sagutin ko't
pananagutan:
sa sarili, sa angkan at sa lipunan:
hayaang magbadya
ng karaingan ko't pangangailangan,
ngayon,
habang nilalason ng maraming kabaro
ang itlog at semilya
at binubulok naman ng iba
sa sansupot na goma
ang bunga ng pag-ibig at pagtatalik.
Ay, anong kilusan, martsa't litanya
upang mapuksa ang sanggol
nang buong laya?
Ilang liblib na klinika, basurahan at
kubeta
ang pag-iimbakan ng kapusuka't sala?
Kahit ang ampunang nagbobodega
ng pananagutang itinatwa
may sumbat ng kalikasang
di matatakasan.

Pagbigyan ang pwersang ito--
ismiran ang humuhugot na kirot,
batahin ang hagupit
habang tinatanggap, tinatanggap
ang katuturang
pumapaso sa pagtigmak.

Ito ang pagtagay sa Hunyo
sa kalis ko--
nobya,
asawa,
kerida,
o kahit ng bayarang tagapagpaligaya:
ito ang testamento, ang kontrata, ang
sumpa:
ito ang saligan,
ang kahulugan at kahungkagan
ng buhay at pag-iral.
Pagbigyan,
ito,
ang agos ng madlang pagsulong--
hininga ng pag-asa
ang namimilapil dito.

Ang kagilagilalas n pakikipagsapalaran niJuan dela cruz

Ang mga Kagilagilalas na
Pakikipagsapalaran ni Juan de la Cruz


  Jose F. Lacaba


Isang gabing madilim
puno ng pangambang sumakay sa bus
si Juan de la Cruz
pusturang pustura
kahit walang laman ang bulsa
BAWAL MANIGARILYO BOSS
sabi ng konduktora
at minura si Juan de la Cruz.

Pusturang-pustura
kahit walang laman ang bulsa
nilakad ni Juan de la Cruz
ang buong Avenida
BAWAL PUMARADA
sabi ng kalsada
BAWAL UMIHI DITO
sabi ng bakod
kaya napagod
si Juan de la Cruz.

Nang abutan ng gutom
si Juan de la Cruz
tumapat sa Ma Mon Luk
inamoy ang mami siopao lumpia pansit
hanggang sa mabusog.

Nagdaan sa Sine Dalisay
Tinitigan ang retrato ni Chichay
PASSES NOT HONORED TODAY
tabi ng takilyera
tawa nang tawa.

Dumalaw sa Konggreso
si Juan de la Cruz
MAG-INGAT SA ASO
sabi ng diputado
Nagtuloy sa Malakanyang
wala namang dalang kamanyang
KEEP OFF THE GRASS
sabi ng hardinero
sabi ng sundalo
kay Juan de la Cruz.

Nang dapuan ng libog
si Juan de la Cruz
namasyal sa Culiculi
at nahulog sa pusali
parang espadang bali-bali
YOUR CREDIT IS GOOD BUT WE NEED CASH
sabi ng bugaw
sabay higop ng sabaw.

Pusturang-pustura
kahit walang laman ang bulsa
naglibot sa Dewey
si Juan de la Cruz
PAN-AM BAYSIDE SAVOY THEY SATISFY
sabi ng neon.
Humikab ang dagat na parang leon
masarap sanang tumalon pero
BAWAL MAGTAPON NG BASURA
sabi ng alon.

Nagbalik sa Quiapo
si Juan de la Cruz
at medyo kinakabahan
pumasok sa simbahan
IN GOD WE TRUST
sabi ng obispo
ALL OTHERS PAY CASH.

Nang wala nang malunok
si Juan de la Cruz
dala-dala'y gulok
gula-gulanit na ang damit
wala pa rin laman ang bulsa
umakyat
        Sa Arayat
                      ang namayat
na si Juan de la Cruz

WANTED DEAD OR ALIVE
sabi ng PC
at sinisi
ang walanghiyang kabataan
kung bakit sinulsulan
ang isang tahimik na mamamayan
na tulad ni Juan de la Cruz

Gabi ng isang Piyon

SA GABI NG ISANG PIYON


Paano ka makakatulog?
Iniwan man ng mga palad mo ang pala,
Martilyo, tubo’t kawad at iba pang kasangkapan,
Alas-singko’y hindi naging hudyat upang
Umibis ang graba’t semento sa iyong hininga.
Sa karimlan mo nga lamang maaaring ihabilin
Ang kirot at silakbo ng iyong himaymay:
Mga lintos, galos, hiwa ng daliri braso’t utak
Kapag binabanig na ang kapirasong playwud,
Mga kusot o supot-semento sa ulilang
Sulok ng gusaling nakatirik.
Binabalisa ka ng paggawa —
(Hindi ka maidlip kahit sagad-buto ang pagod mo)
Dugo’t pawis pang lalangkap
Sa buhangin at sementong hinahalo na kalamnang
Itatapal mo sa bakal na mga tadyang:
Kalansay na nabubuong dambuhala mula
Sa pagdurugo mo bawat saglit; kapalit
Ang kitang di-maipantawid-gutom ng pamilya,
Pag-asam sa bagong kontrata at dalanging paos.
Paano ka matutulog kung sa bawat paghiga mo’y
Unti-unting nilalagom ng bubungang sakdal-tayog
Ang mga bituin? Maaari ka nga lamang
Mag-usisa sa dilim kung bakit di umiibis
Ang graba’t ‘semento sa iyong hininga...
Kung nabubuo sa guniguni mo maya’t maya
Na ikaw ay mistulang bahagi ng iskapold
Na kinabukasa’y babaklasin mo rin.